Sumasang-ayon si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa pahayag ni Senador JV Ejercito tungkol sa paggamit ng blinkers at wangwang.

Ayon sa tweet ni Ejercito nitong Lunes, Hulyo 4, tila bumabalik na naman daw kasi ang mga gawing ito. Nagawa na raw itong alisin noon sa panahon ng administrasyong Aquino.

“Sana ipagbawal ni PBBM mga naka-blinkers, wangwang at may mga escorts na nakawangwang,” ani Ejercito.

“As far as I know only the President, VP, Senate President, Speaker and SC Justice entitled to motorcycle escort convoy.”

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“Nagawa ito during PNoy’s time. Parang naging uso na naman.”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/04/sen-jv-may-pakiusap-kay-pbbm-ipagbawal-ulit-ang-blinkers-escorts-na-nakawangwang/

Gayunman, sumang-ayon si Sotto sa naging pahayag ng mambabatas. Aniya, gumagamit lamang siya ng blinkers o wangwang kapag pupunta ng Malacañang noong senate president pa siya.

"I concur! In fact i only used it when going to and from Malacañang. Takot ma late," aniya sa kaniyang tweet nitong Lunes, Hulyo 4.

https://twitter.com/sotto_tito/status/1543911849527492608