Hinikayat ng non-government organization (NGO) sa kanilang Facebook post, Martes na sundan ang kanilang mga social media announcements sa iba’t ibang plataporma.
Inilatag na ng Angat Buhay ang opisyal na Facebook, Twitter at Instagram accounts nito para sa pagsisimula ng mga inisyatiba.
“Please spread the word with your friends, family, and communities! Ang laban para umangat ang buhay ay laban nating lahat!” paghihikayat ng NGO/
Matatandaang una nang nagbabala ang Angat Buhay laban sa mga nagpapanggap o ginagamit ang kanilang identidad para makakuha ng pinansyal na suporta.
Dahil sa nabanggit na dahilan, hindi rin papayagan ng NGO na gamitin ng kanilang mga partners ang pangalan para sa mga ilulunsad nitong fund-raising initiatives.
Inirehistro bilang Angat Pinas, Inc. ang NGO na layong maging pinakamalaking volunteer network sa kasaysayan ng bansa.
Nasa 1.7-M na agad ang nalikom na donasyon ng NGO matapos ilunsad ito noong Hulyo 1.