Sa ibinahaging Instagram update ni “Asia’s Nightangle” Lani Misalucha, kasama ng mister si Noli, pinagsaluhan ng mag-asawa ang isang cake bilang pagdiriwang sa kanilang ika-32 anibersaryo.

“Happy 32nd Anniversary my Swit! Bingi, hilo, disabled or not you're stuck with me.😁 Love you always and forever,” mababasa sa Instagram post ni Lani, Martes, Hulyo 4.

Maaalalang taong 2020 nang parehong maisugod sa ospital ang dalawa matapos mahawaan ng bacterial meningitis, dahilan para pansamantalang mabingi ang singer at kinailangan nitong magpahinga muna sa showbiz.

Sa hiwalay na post, ibinahagi rin ng batikang singer ang naging pasilip sa kanilang selebrasyon sa Malibu beach city sa Los Angeles, California.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Celebrating Independence Day and Papa Nols and my anniversary with some of our dear LA friends here in Malibu. Thank you for the treat!” saad ni Lani sa kaniyang Instagram video kung saan ipinakita nito ang nakamamanghang beach front ng Malibu ng LA.

Nagpaabot ng pagbati ang mga kaibigan sa showbiz sa espesyal na okasyon ng singer at mister nito kabilang na si Christian Bautista, Tim Pavino, Arnel Pineda, at Pops Fernandez.