Isa ang batikang broadcaster at ngayon ay producer na si "Rated Korina" host Korina Sanchez-Roxas sa mga maaaring magpatotoong wala sa kaabalahan o kaya naman ay sa edad ang pagtatamo ng edukasyon at pagtatapos sa isang mas mataas pang degree sa pag-aaral.
Sinariwa ni Korina ang graduation niya sa kaniyang master's degree program sa Journalism, sa Ateneo De Manila University.
"Awwwww… I received these photos from three different people today. Anniversary nga pala of my graduation from Masters in Journalism from Ateneo a few years back," ayon sa Instagram post ni Korina.
50 anyos umano ang batikang journalist nang matapos niya ang kaniyang master's degree. Inakala pa nga raw ng kaniyang mga kaklase na siya ang magiging guro nila. Nagawa umano niyang pagsabayin ang pagtatrabaho bilang news anchor sa "TV Patrol" at pag-aaral online. Kaya payo ni Korina, "just do it".
"Yep. I took up my Masters past 50! Akala yata ng classmates ko pagpasok ko ng classroom na ako ang teacher."
"Bucket list. Just do it. I was attending classes online while anchoring TV Patrol everyday. And studying from an 'older' mind and graduating (with) a master's degree has been one of the most exhilarating experiences yet."
"NEVER SAY NEVER! And always know it’s never too late!" aniya.
Napakomento naman dito ang TV host na si Bianca Gonzalez.
"Love this! My dream to study again too! When my kids are a bit bigger," aniya.