Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), inside job murder ang ginawa sa pagkamatay ng walong high-profile drug convicts sa loob ng New Bilibid Prison, taliwas ito sa opisyal na record ng Bureau of Corrections (BuCor) na nagsasabing namatay sila dahil sa COVID-19 mula Mayo hanggang Hunyo sa 2020.

Ang walong bilanggo na ang pagkamatay ng Covid-19 ay iniuugnay sa pagpatay ay sina Francis Go, Shuli Lim Zhang, Jimmy Ang, Eugene Chua, Benjamin Marcelo, Sherwin Sanchez, Amin Boratong, at Willy Yang.

"They availed the situation that in case of Covid-19 cases, cadavers should immediately be cremated. Cremation, for this case, was the final act to consummate and effectively cover-up the scheme to kill the victims," anang NBI.

Nagsampa ang NBI ng reklamong pagpatay laban sa 22 opisyal ng National Capital Region Police (NCRPO) na nakatalaga sa Bilibid noong panahong iyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng abogadong si Mico Clavano, isang kinatawan ng opisina ni Justice Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla na nakipagpulong si Remulla kay Deputy Director Medardo de Lemos, NBI Officer-in-Charge, noong Lunes, Hulyo 4.

"The issue was discussed and SOJ (Secretary of Justice) wanted to validate the facts already presented and would like to inquire more into the incident," ani Clavano.

Idinagdag niya na ipinahayag ni Remulla ang kanyang matinding pagnanais na panagutin ang lahat ng mga sangkot.

Sa isang department order na may petsang Hulyo 1, itinalaga si de Lemos na pansamantalang pamunuan ang NBI, dahil siya ang susunod sa ranggo at pinaka-matataas na opisyal, kasunod ng pagpapalabas ng Memorandum Circular No. 1 ng Malacañang na nagdedeklarang bakante ang ilang posisyon.

Si De Lemos, na pumalit kay Eric Distor, ay inatasang gampanan ang mga tungkulin hanggang Hulyo 31 o hanggang sa maitalaga ang kapalit.