Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Martes na ang mga programang pangkalusugan ang mananatili niyang prayoridad, partikular na sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan sa puwesto.
Ayon sa alkalde, na isa ring doktor, naniniwala siya na ang 'kalusugan ay kayamanan' at ang malusog na populasyon ay katiyakan para sa pag-unlad ng kahit na anong lungsod.
“Mapalad akong maging Punong Lungsod kasunod ni Mayor Isko Moreno Domagoso, dahil nakasama niya ako sa paglalatag ng mga makabuluhang programa para sa mga Manilenyo. Nabigyan ng kaukulang atensyon at akmang solusyon ang mga pangunahing suliranin ng ating lungsod, sa kabila nang kinaharap pa natin ang pinaka-mapanghamong krisis pangkalusugan na hatid ng COVID,” sabi ni Lacuna.
Sinabi pa niya na ang pokus ngayon ng city government ay palakasin ang kakayahan nito sa pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan alinsunod sa itinakdangguidelines ng Universal Health Care Act.
Inatasan na rin aniya niya ang Manila Health Department, sa pangunguna ni Dr. Poks Pangan, na alamin ang mga lugar na posibleng suliranin at magpanukala ng solusyon pagdating saserbisyong pangkalusugan ng lungsod.
Ganito rin ang kanyang direktiba sa direktor ng anim na city-run hospitals, upang kaagad na matugunan ang mga problema lalo na'tkailangan ng mgaito ng pondo.
Inanunsyo din ni Lacuna ang planong pagtatayo ng super health centers na magkakaloob ngkumpletong basic laboratory tests, portable x-ray, ECG machine at iba pang pasilidadupang madaling makuha ng mga residente.
Sa ganitong paraan ay hindi na kailangan pang magpunta ng mga residente sa mga city hospitals kung kailangan nila ang ganitong uri ng serbisyo.