Agad na nag-resign sa trabaho at nawala ng parang bula ang isang empleyado ng meat preservation manufacturer sa bansang Chile matapos hindi sinasadyang masahuran ng mahigit P9-M sa dapat na P27-K lang na buwanang sahod nito.

Sa ulat ng Diario Financiero, isang Santiago-based newspaper sa nasabing bansa, ipinaabot pa ng hindi pinangalanang empleyado ng CIAL Alimentos ang natanggap na sobra-sobrang milyones na halaga sa kaniyang deputy manager.

Dagdag ng ulat, matapos ipaabot ng deputy manager sa human resource office ng kompanya ang nasabing error, nangako umano ang empleyado na boluntaryong ibabalik ang sobrang halaga sa kaniyang bangko.

Ngunit matapos ang isang araw, hindi na umano makontak ng kompanya ang naturang empleyado sa pamamagitan ng WhatApp at iba pang maaaring linya.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Isang resignation mula sa abogado nito ang sunod na inihain ng empleyado sa kompanya.

Dahil sa hindi pakikipag-ugnayan ng empleyado ay naghain na ng kriminal na reklamo ang kompanya sa ground na fund misappropriation.

Ayon sa ulat ng Insider, hindi pa rin naaaresto ang nasabing empleyado kasunod ng paghahain ng reklamo.