Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Martes na lahat ng kabataang kabilang sa 12-17 age group ay maaari nang tumanggap ng kanilang COVID-19 booster shot.

“Yes! Children ages 12 to 17 can now get their additional/ booster doses,” anunsiyo pa ng DOH sa kanilang Facebook page at Twitter account.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lahat ng local government units (LGUs) o vaccination sites ay maaari nang mag-rollout ng COVID-19 booster shot para sa naturang age group, kung handa na ang mga ito.

“It was stated in our guidelines that all LGUs/Vaccination sites who are ready to implement — trained HCWs, with appropriate vaccines, etc. — can already implement,” mensahe pa ni Vergeire sa mga mamamahayag.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Upang makapagpaturok ng booster shot, kinakailangan lamang ng mga kabataan na magtungo sa mga vaccination sites sa kanilang lugar at dalhin ang kanilang vaccination card, dokumento na nagpapakita ng relasyon ng magulang o guardian sa bata, valid ID o mga dokumentong may larawan, at medical certificate para sa mga immunocompromised patients.