Matapos ibalandra ng isang Instagram page ang umano’y suot na luxury watch ni Sen. Bato Dela Rosa kamakailan ay agad na ni-reveal ng mambabatas ang tunay na brand at halaga nito.

Sa isang Facebook post, Martes, sinupalpal ng senador ang Instagram page na Watch Spotter PH kung saan naitampok siya suot ang umano’y Patek Philippe, isang mamahaling relo na mayroon lang 170 versions bilang bahagi ng partnership nito sa Tiffany & Co noong 2021.

Ayon sa mga ulat, umaabot ng nasa US$ 52,000 ang naturang relo o nasa P2.6-M.

Matapos umani ng sari-saring reaksyon ay agad na pinabulaanan ng senador ang impormasyon ng feature sa nasabing Instagram page.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Sa mga ul** dyan na marites, naisahan ko rin kayo! Yung relo ko na Seikopatik na 14k php ginawa ninyong Patek Philippe na 560m PHP,” mababasa sa Facebook post ni Dela Rosa kalakip ang screenshot ng IG post ng Watch Spotter PH at ang close-up picture ng relo taliwas sa impormasyon sa Instagram.

Agad namang pinalitan ng feature page ang kanilang impormasyon sa Instagram.

“Ronald Marapon dela Rosa, also known as Bato, is a Filipino politician and retired police officer who is currently serving as a senator of the Philippines with his SEIKO MOD to look like a Patek Tiffany & Co,” saad na nito sa updated na pagtatampok sa senador.

Ang Watch Spotter PH ay nagtatampok ng ilang mamahaling relong naispatang suot ng mga kilalang personalidad sa Pilipinas.

Sa pag-uulat, hindi pa humingi ng paumanhin ang page sa senador habang ilang netizens ang patuloy na kinukundena ang malisyuso umanong pagkakatampok sa senador.