CAMP GEN. VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Sumuko sa awtoridad ang dalawang matataas na miyembro ng Communist Party of the Philippines/New People's Army/National Democratic Front (CPP/NPA/NDF), ayon sa ulat ng Police Regional Office 4A nitong Martes, Hulyo 5.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Antonio Yarra, PRO-4A regional director, kinilala ang mga rebelde na sina ‘Ka Abe/AB/Boylit,’ at ‘Ka Mila/Nina.’

Si Ka Abe/AB/Boylit ay isang squad leader ng Platun 1 Sentro de Grabidad (SDG) at platoon leader, Guerilla Front Narciso ng Sub-Regional Military Area (SRMA) 4A.

Sa kabilang banda, ang ‘Ka Mila/Nina’ ay isang S4, Platun 1 Sentro de Grabidad SDG at P4, Platun Larangan Yunit Gerilya, Guerilla Front Narciso, SRMA4A ng Southern Tagalog Regional Party Committe (STRPC).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nag-ooperate ang ‘Ka Mila/Nina’ sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Northern Quezon.

Sinabi ni Yarra na ang dalawang rebelde na nagpahayag na sila ay mag-asawang partido, ay nagbigay ng dalawang baril, isang granada at mga subersibong dokumento.

Kusang sumuko ang mag-asawa sa Camp Hen. Macario Sakay sa Los Baños, Laguna noong Lunes.

Kusang-loob na humarap ang mag-asawa kay Force Commander Police Colonel Ledon Monte at kay Police Captain Karl Axcel Sta Clara ng RMFB4A matapos magdesisyon na tatalikuran ang communist terrorist group (CTG) at babalik-loob nang naaayon sa batas.

Ang pagbabago ng puso ng mga rebelde ay dahil sa pinaigting na mga tactical operations at community affairs and development activities ng RMFB4A bilang suporta sa Executive Order No. 70 na naghihikayat sa mga rebelda na isuko ang kanilang mag armas at sa halip ay mamuhay nang payapa, sabi ni Yarra.

Ang mag-asawa ay tatanggap ng paunang tulong at nasa proseso ng dokumentasyon para sa kanilang pagpapatala sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP upang mapakinabangan ang mga insentibo ng gobyerno upang matulungan silang magsimulang muli.

“Our effort bears its fruit of success. Let us continue to give hope and save our affected fellow Filipinos who were deceived by the communist terrorist groups. We noticed that in the past days more rebels opted to surrender due to the increasing awareness of government programs for the rebels,” ani Yarra.