Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Acting Spokesperson John Rex Laudiangco na makatatanggap ng dalawang balota ang mga botanteng may edad 18 hanggang 30 taong gulang sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre 5, 2022.

“Those 18 to 30 years old will receive two ballots, one for SK, and one for regular barangay ballot,” ani Laudiangco sa Laging Handa forum nitong Martes, Hulyo 5, saktong limang buwan bago ang nasabing botohan.

Ayon pa sa kaniya, ang mga may edad na 15 hanggang 17 taong gulang ay makatatanggap ng isang balota (SK ballot) habang ang 31 taong gulang pataas ay makatanggap ng balota para sa barangay. 

Samantala, sinabi rin ng acting spokesperson na manual ang gaganaping BSKE na 'di tulad noong National at Local Elections na automated. 

“The difference between NLE and BSKE is the manner. Practically, the personnel involved and equipment are just the same. The difference is the machine and ballot. This is manual."