Iginiit ng ACT Teachers representative na si France Castro na kailangan na talagang ibalik ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul, kaugnay ng isyung kinasangkutan ng pahayag ni Ella Cruz tungkol sa kasaysayan, na inihalintulad niya sa "tsismis".

"History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga… As long as we're here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion," saad ng actress-dancer sa kung ano ang natutuhan niya habang ginagawa ang pelikulang 'Maid in Malacañang'.

Naging trending sa Twitter ang pangalan ni Ella Cruz dahil sa kaliwa't kanang batikos na natanggap niya dahil dito. Nagbigay na rin ng saloobin dito ang mga historyador at kapwa celebrities.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ayon sa panayam kay Castro, "Kailangang-kailangan talaga na ibalik ang Philippine History bilang asignatura sa high school dahil ngayon, itinuturing na lamang itong 'tsismis' ng iilan."

Nawawala umano ang fundamentals na pag-ibahin ang kasaysayan na bahagi ng Social Science sa simpleng 'tsismis' o pagmamarites.

"Hindi 'kuwentong barbero' ang pag-aaral ng kasaysayan dahil ito ay may siyentipikong paraan ng pagpapatunay," dagdag pa ni Castro.

Matatandaang bago pa umusbong ang kontrobersiyal na pahayag ni Ella CRuz tungkol sa kasaysayan, nauna nang pinag-usapan at naging sanhi ng mga debate at argumento ang 'MAJOHA' sa katatapos lamang na reality show na "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Teen Edition.

Sinisi ng mga netizen ang Department of Education o DepEd dahil inalis umano sa mga mag-aaral ng hayskul ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, sa asignaturang Araling Panlipunan.

Sa Junior High School kasi, hindi na kabilang ang paksang kasaysayan ng Pilipinas sa mga dapat ituro sa bawat baitang. Asian history (Grade 7), World history (Grade 8), Economics (Grade 9), at Contemporary issues (Grade 10).

Sa Senior High School naman, mas nakatuon na ito sa mga usaping politikal.

Kaya naman, umaasam ang mga netizen na muling rebyuhin ang K to 12 curriculum sa pag-upo ni Vice President at bagong DepEd Secretary Sara Duterte.

Bukod sa ACT Teachers, nagbigay na rin ng kanilang saloobin tungkol dito ang Kabataan party-list.

"Ella Cruz, kagalang-galang at mahirap ang ginagawa ng historians. Hindi sila nakikipag-tsismisan o nagme-memorize lang ng dates," saad ni Kabataan partylist rep. Raoul Manuel sa kaniyang tweet noong Hulyo 2, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/04/kabataan-partylist-rep-kay-ella-cruz-sana-may-oras-ka-para-makausap-ng-kapwa-kabataan-re-ph-history/">https://balita.net.ph/2022/07/04/kabataan-partylist-rep-kay-ella-cruz-sana-may-oras-ka-para-makausap-ng-kapwa-kabataan-re-ph-history/

Nagbigay na rin ng kanilang reaksiyon ang Gabriela party-list.

"It is unfortunate that Gabriela Annjane "Ella" Cruz has likened history to "tsismis" or gossip, despite her being a namesake of the Filipina revolutionary Gabriela Silang. While the choice of playing the role of Irene Marcos in a historical revionism film project was hers, we need to call out the further trivialization of history by such statements," anang Gabriela.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/04/gabriela-partylist-may-mensahe-sa-kontrobersiyal-na-pahayag-ni-ella-cruz/">https://balita.net.ph/2022/07/04/gabriela-partylist-may-mensahe-sa-kontrobersiyal-na-pahayag-ni-ella-cruz/