TUGUEGARAO CITY -- Arestado ang Top 10 Most Wanted Person Provincial Level sa Nueva Vizcaya, ayon sa ulat nitong Linggo. 

Na-korner ang suspek na si Novel Tindaan Buenafe, 38, Kasibu, Nueva Vizcaya noong Hulyo 1, 2022 dakong 4:35 ng hapon sa Parai, Dupax Del Norte ng joint tracker teams ng Quirino Police na pinangungunahan ni Lt. Alden Isang, Dupax Del Norte Police, at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Nueva Vizcaya.

Inaresto si Buenafe sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Emmylou V. Mangasar, acting Presiding Judge of RTC 25 Tagudin, Ilocos Sur, para sa kasong Qualified Statutory Rape sa ilalim ng "Par. 1(D) of Art. 266-A in relation to Art. 266-B docketed under Criminal Case No. 2117-T with no bail recommended."

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu