Tiniyak ng katatalagang kalihim ng Department of Justice (DOJ) na si Jesus Crispin Remulla na lalansagin nito ang sindikato sa Land Registration Authority (LRA), Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Corrections (BuCor).]

Sa kanyang unang flag-raising ceremony sa central office ng DOJ sa Padre Faura St., Maynila, nangako si Remulla na uunahan niya ang ipatutupad na reporma sa tatlong ahensya ng gobyerno.

“Unahin na natin ang LRA na kahapon, nung kine-kuwento sa'kin ng malapit na kaibigan na law practitioner, ikinuwento n'ya sa ’kin ang aktibidad ng sindikato na naroroon na nananaig sa sistema ng LRA, sindikato na may tao sa halos lahat ng sangay ng gobyerno,” ani Remulla.

“At ito po ay isang hamon sa atin. Kayo ba dito na kasama ko ay papayag na tumagal pa ang sindikatong ito na marahil darating ang isang araw na lahat ng tahanan natin ay makuha na nila kapag ating pinayagan na sila ay manaig pa sa ating lipunan?” pagbibigay-diin ni Remulla.

Kaugnay nito, binira naman nito ang umano'y extortion, human trafficking at protection syndicate sa Immigration.

Matatandaangsinibak ng Office of the Ombudsman sa puwesto ang 45 na opisyal at tauhan ng Immigration matapos mapatunayan ang pagkakasangkot sa tinatawag na 'pastillas' scam.

Kabilang sa modus operandi ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng BI ang pagkolekta ng suhol na₱10,000 sa bawat Chinese na pumapasok sa bansa kapalit ng hindi na pagdaan sa normal na proseso ng ahensya.

Ang naturang suhol ay ibinabalotkatulad ng 'pastillas' na candy bago ipamahagi sa mga miyembro ng sindikato, ayon sa Ombudsman.

Binanggit din ni Remulla ang hindi masugpongsindikato sa BuCor.

Noong 2021,tinukoy ng anti-graft agency, Commission on Audit (COA) at DOJ, na talamak ang katiwalian sa limang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan ng LRA,Department of Public Works and Highways (DPWH), BuCor, Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine Health Insurance Corporation(PhilHealth).