Hiling ni Senador JV Ejercito na sana raw ay muling ipagbawal ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang dati nang ipinagbawal ni dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III na paggamit ng blinkers at "wangwang" o sirena sa sasakyan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa tweet ng mambabatas, Hulyo 4, tila bumabalik na naman daw kasi ang mga gawing ito. Nagawa na raw itong alisin noon sa panahon ng administrasyong Aquino.

"Sana ipagbawal ni PBBM mga naka-blinkers, wangwang at may mga escorts na nakawangwang," ani Ejercito.

"As far as I know only the President, VP, Senate President, Speaker and SC Justice entitled to motorcycle escort convoy."

"Nagawa ito during PNoy’s time."

"Parang naging uso na naman."

https://twitter.com/jvejercito/status/1543838572390019072

Sumang-ayon naman dito ang isa pang senador na si Win Gatchalian.

"That's what I noticed din Bro. Dami feeling VIP na naman," saad ni Gatchalian.

Tugon naman ni Ejercito, "We never did those Bro!"

https://twitter.com/jvejercito/status/1543874791534637056

Noong administrasyon ni PNoy ay isa sa mga tumatak sa kaniya ang pagbabawal sa anumang uri ng "wangwang" sa pamahalaan, o pagkakaroon ng VIP treatment.