Binigyang-diin ni reelected Mayor Ronnie Dadivas na ang pagkakaisa ang susi sa pagdadala ng higit na pag-unlad sa Roxas City, ang kabisera ng Capiz.
“We finally believed that a single vision of a united and unified Capiz is possible,” ani Dadivas sa kaniyang inaugural speech noong nakaraang linggo.
Sa kaniyang ikalawang termino bilang alkalde, kinilala ni Dadivas ang pagkakaisa sa pamahalaang panlalawigan ng Capiz sa pamumuno ni Gov. Fredenil "Oto" Castro.
Umaasa si Dadivas na mapapabuti ang mga serbisyong panlipunan at pang-ekonomiya sa Roxas City.
Kabilang dito ang pagpapalawig ng "Bigas para sa taga Roxas" program, na nagbibigay ng mga sako-sakong bigas sa mga mahihirap na pamilya sa lungsod, at karagdagang badyet para sa tulong pinansyal.