Dapat nang ikabahala ang lumolobong kaso ng dengue sa bansa, ayon sa dating presidente ng grupo ng mga doktor sa Pilipinas.

"Yes, dapat tayo na maalarma,” pahayag ni dating Philippine Medical Association (PMA) president Benito Atienza, sa ginanap na Laging Handa public briefing nitong Lunes.

Reaksyon ito ni Atienza nang banggitin sa kanya ng mga mamamahayag ang naitalang 45,416 na kaso ng dengue mula noong Enero hanggang Hunyo 11 ng taon.

Mataas ng 45 porsyento ang naturang bilang kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong 2021.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Katwiran nito, mas maraming binawian ng buhay sa dengue kumpara sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Singapore.

“Kaya dapat po tayong mag-ingat ngayon. Dapat po tayong mabahala kung ating mga anak o kahit po matanda, kahit nurse, kahit sino po, ay pwedeng magka-dengue sa panahon ngayon.At saka lagi po natin tandaan na wala pong pinipili ang dengue sa edad kahit po six months lang, meron po kaming ganon,” sabi nito.

Umapela naman ang Department of Health (DOH) sa publiko na sundin ang tinatawag na "4S" strategy laban sa sakit. Ang "4S" ay, "Search and destroy breeding places, Secure self-protection, Seek early consultation, at Support fogging or spraying in hotspot areas."

Sa datos ng DOH, nakapagtala na sila ng 51,622 kaso ng dengue mula noong Enero 1 hanggang Hunyo 18, kung saan 239 na ang binawian ng buhay.

Nilinaw ng ahensya, mas mataas ito ng 58 porsyento kumpara sakaparehongpanahon noong 2021.

Idinagdag pa ng DOH na kabilang ang Central Luzon, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula sa nakapagtala ng mataas ng kaso ng sakit.