May nais sabihin ang Kabataan Partylist representative na si Raoul Manuel sa aktres na si Ella Cruz hinggil sa sinabi nito na "History is like tsismis."

"Ella Cruz, kagalang-galang at mahirap ang ginagawa ng historians. Hindi sila nakikipag-tsismisan o nagme-memorize lang ng dates," saad ni Manuel sa kaniyang tweet noong Hulyo 2, 2022.

"Sana may oras ka para makausap ng kapwa Kabataan re: PH history.

"You are on the wrong side of history if you act as an apparatus to distort it," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/iamRaoulManuel/status/1543228038044733440

Matatandaan na sinabi ni Ella Cruz noong Hulyo 2 na ang kasaysayan daw ay parang isang tsismis.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Naro’n na yung idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kaniya-kaniyang opinion, I respect everyone’s opinion,” saad umano ni Ella.

“Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling right now, ‘di ba? Paano kaya iyon na there so much pressure on their side during those times?" dagdag pa niya.

Umani ang nasabing pahayag ng mga iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/02/araling-panlipunan-trending-sa-twitter-matapos-mag-viral-ang-pahayag-ni-ella-cruz/