Isa ang komedyante at grand winner ng 'Miss Q&A' segment ng noontime show na "It's Showtime" na si Juliana Parizcova Segovia na tinadtad ng kritisismo dahil sa kaniyang pagiging BBM-Sara supporter noong halalan, at pagiging bahagi ng mga inilabas na video ng VinCentiments kagaya ng parody sa campaign video ni Angelica Panganiban, "Kape Chronicles", at "The Exorcism of Lenlen Rose" na idinerehe ni Darryl Yap.

Kaliwa't kanang panlalait din ang natanggap niya sa mga netizen, lalo na nang mabalitaan ang pagpapatak-patak ng UniTeam supporters upang mabayaran umano ang kaniyang pagkakautang, na umabot sa 300K.

Sa kaniyang Instagram posts ay ibinahagi ni Juliana ang kaniyang pagbabakasyon sa Japan at ang makahulugang caption nito.

"If you choose yourself, you will displease many people," saad ni Juliana. Makikita sa location na nasa 𝐑𝐨𝐩𝐨𝐧𝐠𝐠𝐢, 𝐓𝐨𝐤𝐲𝐨, 𝐉𝐚𝐩𝐚𝐧 siya.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

At ang latest Instagram post naman, siya ay nakaharap sa isang vanity mirror at tila naglalagay ng make-up.

"I can look at myself in the mirror and I CAN BE PROUD," saad niya sa caption.

Hindi pa sigurado kung magkakaroon ba siya ng partisipasyon sa pelikulang 'Maid in Malacañang' sa Viva Films, na ang layunin ay ilahad at ikuwento ang panig ng pamilya Marcos sa loob ng 72 oras, noong EDSA People Power I.