Walang nagastos na pondo ng pamahalaan sa ika-93 kaarawan ni dating First Lady Imelda Marcos na ginanap noong nakaraang Sabado.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi magmamalabis si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kung anong itinatakda ng batas at tatalima siya rito.

Nitong weekend ay naglabasan sa social media ang mga larawan at video ng sosyalan sa Malacañang kaugnay ng kaarawan ng ina ng Pangulo, gayundin ng ilang billboard ng larawan nito.

Sinabi ni Angeles, hindi naman ang Malacañang o ano pa mang tanggapan ng gobyerno ang naglagay ng billboard kaya walang dahilan para sila magkomento sa usapin.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Iginiit pa ni Angeles, magsasalita lamang sila kung ito ay may kaugnayan sa official issuance ng Pangulo.

Matatandaang nagdiwang ng kaarawan ang dating Unang Ginang sa Rizal Hall ng Malacañang kung saan karaniwang ginagawa angstate visit at officials functions ng Pangulo ng bansa.