Nag-iwan ng mensahe ang Gabriela Partylist para sa aktres na si Ella Cruz hinggil sa kontrobersiyal nitong pahayag na "history is like tsismis."

Sa isang balitang inilabas ng Gabriela, sinabi nitong ikinalulungkot nila na inihalintulad ni Gabriela Annjane "Ella" Cruz ang kasaysayan sa "tsismis," sa kabila ng pagiging pangalan niya ng rebolusyonaryong Pilipina na si Gabriela Silang.

"It is unfortunate that Gabriela Annjane "Ella" Cruz has likened history to "tsismis" or gossip, despite her being a namesake of the Filipina revolutionary Gabriela Silang. While the choice of playing the role of Irene Marcos in a historical revionism film project was hers, we need to call out the further trivialization of history by such statements," anang Gabriela.

Umaasa ang Gabriela na mapagtanto ng aktres na ang kasaysayan ay nananatiling batay sa mga katotohanan, at ang makasaysayang pagtanggi ay mapanganib na nagbigay-daan sa patuloy na paghahari ng mga 'mandarambong' sa Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayundin, hinihimok ng Gabriela ang mga kritiko ni Ella Cruz na mag-ukol ng mas maraming oras sa pagpapalabas ng mga makasaysayang katotohanan na nais ng pamilya Marcos na ganap na mawala sa halip na gamitin ang mga personal na pag-atake laban sa aktres.

Ang Gabriela ay progresibong partidong pampulitika ng Pilipino na nagtataguyod para sa mga isyu ng kababaihan at kumakatawan sa kababaihang Pilipino sa Kongreso.

Matatandaan na sinabi ni Ella Cruz ang kontrobersiyal na pahayag bilang "natutuhan" niya sa kaniyang portrayal bilang ‘young Irene Marcos’ sa pelikulang “Maid in Malacañang,” sa direksyon ni VinCentiment director Darryl Yap, sa ilalim ng produksyon ng Viva Films.

BASAHIN: ‘History is like tsismis!’ Ella Cruz, ibinahagi ang natutuhan bilang Irene Marcos sa Maid in Malacañang

Ayon sa ulat ng isang pahayagan, isa raw sa mga napagtanto ni Ella ay tungkol sa kasaysayan.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Naro’n na yung idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kaniya-kaniyang opinion, I respect everyone’s opinion,” saad umano ni Ella.

“Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling right now, ‘di ba? Paano kaya iyon na there so much pressure on their side during those times?”