BAGUIO CITY – Dalawang biktima ng vehicular accident sa Kennon Road, ang nabuking na biyahero ng marijuana matapos marekober ng mga pulis ang isang kahon na naglalaman ng 12 piraso ng dried MJ leaves na may halagang ₱1.4 milyon noong Hulyo 3 sa Camp 4, Tuba, Benguet.

Kinilala ang dalawang biktima na bahagyang nasugatan sa self-accident na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 na sinaJimmsie Galang Salazar, 40, residente ng 13Maliksi II, Bacoor Cavite, driver at kasama nitong si Justine Jerome Baisa, 28, residente ng 20 Saint Lukes, Marvi Hills, Brgy Gulod, Malaya San Mateo, Rizal.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa imbestigasyon ng Tuba Municipal Police Station, naganap ang aksidente (non-collision) dakong alas 4:40 ng umaga at nai-report sa pulisya dakong alas 6:00 ng umaga.

Napag-alaman na ang nasabing sasakyan ay galing sa siyudad ng Baguio patungong lowland area at habang tinatahak ang pababang zigzag ng Kennon road, naramdaman umano ng driver na nagkaroon ng brake malfunctioned na naging dahilan ng kanyang minamanehong sasakyan na tumaob at tumagilid hanggang sa ito ay huminto na lumiliko sa itaas ng pagong sa northbound lane.

Dahil dito, parehong nagtamo ng mga pinsala ang driver at pasahero ngunit tumanggi sa medikal na atensyon habang ang sasakyan ay nagtamo ng matinding pinsala.

Sa pagsisiyasat ng pulisya sa pinagyarihan ng aksidente, sinabi ng ilang residente, na nakakita sa aksidente, sa imbestigador na nakita nila ang dalawang suspek na mabilis na lumabas mula sa bumaligtad nilang sasakyan at inilabas ang isang karton at dinala sa madamong lugar, malapit sa ilog.

Nang hanapin ito ng pulisya sa di-kalayuang lugar mula sa pinangyarihan ng aksidente ay nakita ang nasabing karton at naglalaman ng mga dried marijuana.