Panahon na naman ng moving up, recognition, at graduation ceremony para sa mga mag-aaral, kaya bumabaha sa social media ng iba't ibang kuwento ng pagtatagumpay ng mga nagsipagtapos na nagpatulo ng dugo at pawis.

Isa na riyan ang Senior High School graduate na si Meckia Mari “Iya” Villanueva, 18, 'With Highest Honors' o katumbas ng class valedictorian ng Sto. Niño Academy, Bocaue, Bulacan, kung saan 60 parangal ang hinakot niya sa kanilang graduation ceremony! Ikaw na!

Sandamakmak na medalya, sertipiko, at ribbons ang nakuha ni Iya sa kanilang graduation ceremony kaya naman proud na proud umano ang mga magulang niya sa kaniya.

Bagama't inaasahan na umano ng kaniyang mga kaklase ang posibleng paghakot niya ng mga parangal, hindi pa rin sila makapaniwala hanggang ngayon.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

"Ang overwhelming ng number of comments and greetings, I can no longer interact with you all pero thank you so much," saad ni Iya.

Mapalad na nakapanayam ng Balita Online si Iya matapos mag-viral ang kaniyang TikTok video. Siya pala ay anak ng isang pharmacist at casino card dealer. Bata pa lamang daw siya ay sadyang mahilig na siyang magbasa at mag-aral. Dahil dito, mapalad na nakakuha rin siya ng scholarship upang makatulong at makagaang sa gastusin ng kaniyang mga magulang.

Ano nga ba ang naging sikreto ng study habits niya upang ma-achieve din ang pagiging hakot awards?

“Alas tres pa lang ng madaling-araw, gising na ako. Naka-time block ako to let me set limits and certain goals to accomplish sa loob po ng isang araw. Kunwari from 1PM to 3PM, itong subject po aaralin ko. Then 30 minutes rest. 3:30PM to 5:30PM po next subject or project," paliwanag ni Iya.

Bukod ito, hindi niya nakalilimutang mag-reviw at magsagawa ng advance reading upang hindi niya malimutan ang kaniyang mga aralin.

Take note, hindi lang pag-aaral ang inaatupag niya dahil presidente rin siya ng Student Council sa kanilang paaralan.

Matapos ang kaniyang graduation sa SHS, 'what's next' na para kay Iya?

“I am currently enrolled na po sa UST (University of Santo Tomas), B.S. Biology Major in Medical Biology," aniya.

At dahil siya ay class valedictorian, siya ay full scholar sa College of Science ng UST.

Nagbigay naman siya ng mensahe sa mga kapwa mag-aaral.

"Congratulations for making it through! May we all succeed and see ourselves as professionals in the future. Do not be too hard on yourself during the process; things will be worth it one day."