Ibinida ni Vice President Sara Duterte na sa unang buong araw ng kaniyang panunungkulan bilang pangalawang pangulo ay nagbukas sila ng satellite offices sa iba't ibang panig ng Pilipinas, Hulyo 1.

Makikita naman sa kaniyang Facebook post noong Hulyo 2 ang mga litrato ng naturang satellite offices na naglalayong mas mapabilis ang access sa serbisyo ng Office of the Vice President o OVP.

"Sa aking unang buong araw bilang bise presidente, nagbukas po tayo ng mga satellite office sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng madali at agarang access sa mga serbisyong mula sa Office of the Vice President," aniya.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Matatagpuan umano ang satellite offices na ito sa mga lungsod ng Dagupan (Region 1), Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI), at Tandag sa Surigao del Sur (Region XIII).

Samantala, ibinida rin ni VP Sara na dumalo sila sa misa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa isang simbahan sa Maynila.

"Sa unang araw ko bilang Pangalawang Pangulo, dumalo tayo sa isang misa sa San Miguel Church sa Manila kasama ang ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.," saad ni VP Sara.