CALASIAO, Pangasinan – Arestado ang isang 31-anyos na tricycle driver matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang checkpoint sa Barangay San Miguel dito Sabado, Hulyo 2.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Roden Aguilar ng Perez Market Site, Dagupan City.

Narekober mula sa suspek ang isang selyadong transparent sachet na naglalaman ng shabu, dalawang open transparent plastic sachet na may residue ng shabu, at aluminum foil strip.

Samantala, inaresto ng mga pulis sa San Carlos City, nitong lalawigan si Alwin Phillip Ramos ng Barangay Songkoy dito matapos makuha sa kanyang possession ang isang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang Honda XRM na motorsiklo ni Ramos ay dinala ng sa kustudiya ng pulisya.

Sina Aguilar at Ramos ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code for resisting arrest at Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.