Ibinahagi ng direktor ng pelikulang 'Maid in Malacañang' na si Darryl Yap na magiging bahagi rin ng pelikula si Senador Robin Padilla.
"Yes. Senator Robin Padilla in #MAIDinMALACAÑANG," ayon sa latest Facebook post ni Yap, Hulyo 23. Kalakip nito ang litrato ng senador na tila gaganap bilang sundalo.
Sa isa pang hiwalay na Facebook post, ibinida naman ni Yap ang litrato nilang tatlo nina Robin at Cesar Montano, na siyang gaganap bilang dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Malaki umanong karangalan para kay Yap na makasama sa isang proyekto ang mga gumanap na aktor bilang Dr. Jose Rizal (Cesar Montano) at Supremo Andres Bonifacio (Senador Robin Padilla), lalo't pangatlong taon pa lamang ng direktor sa showbiz industry.
"With Rizal and Bonifacio."
"Waway and Anak ni Baby Ama."
"With a Commander in Chief and a Filipino Soldier."
"Pangatlong Taon ko pa lamang sa Industriya, sobrang laking karangalan," ayon sa direktor.
Kung matuutloy ang showing ngayong Hulyo, ito ang unang pelikula ni Padilla matapos ang kaniyang pagkawagi bilang senador, at matapos sabihing hihinto muna sa paggawa ng mga pelikula upang makapagpokus sa kaniyang trabaho bilang mambabatas.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/19/trabaho-sa-senado-tututukan-senator-padilla-titigil-na-sa-showbiz/">https://balita.net.ph/2022/05/19/trabaho-sa-senado-tututukan-senator-padilla-titigil-na-sa-showbiz/
Paglilinaw nito, tatapusin na lamang niya ang ginagawang pelikulang may kinalaman sa Marawi.
"Last movie ko na 'yan, kailangan lang tapusin pero after that, trabaho na lang sa Senado, matitira lang public service ko sa radyo," pahayag ng aktor-senador sa isang television interview noong Mayo 18 ng gabi.