Matapos makuha ang ikaanimna puwesto sa Stockholm leg ng 2022 Wanda Diamond League, kaagad na bumawi si Filipino pole vaulter EJ Obiena nang makuha ang gold medal sa Jump and Fly tournament saWeiherstadion, Hechingen sa Germany.
Nalusutan ni Obiena ang 5.80 meters sa ikatlong pagtatangkang upang makuha ang gintong medalya nitong Hulyo 2.
Bago maibulsa ang medalya, tinangka muna niyang lagpasan ang record nito, gayunman, nabigo itong makalusot sa 5.94 meters.
Nasa ikalawang puwestonaman si Huang Bokai ng China nang makumpleto ang 5.50 meters habang natapos naman ni Vincent Hobbie (Germany) ang 5.10 meters.
Kamakailan, umabot lang sa 5.73 meters ang tinalon ni Obiena sa Bauhaus-Galan sa Diamond League leg sa Stockholm kaya bumagsak ito sa ikaanimna puwesto.
Nakuha naman ni Armand Duplantis (Sweden), ang gintong medalya matapos maitala ang bagong world record na 6.16 meters