BAGUIO CITY — Tumangging dalhin sa ospital ang dalawang biktima ng vehicular accident sa kahabaan ng Kennon Road kahit nagtamo ng mga pinsala noong Linggo, Hulyo 3.

Ang dalawang biktima — sina Jimmsie Galang Salazar, 40, residente ng 13IR Maliksi II, Bacoor Cavite, at driver ng pick-up truck, at Justine Jerome Baisa, 28, residente ng 20 Saint Luke's, Marvi Hills, Brgy Gulod, Malaya San Mateo, Rizal – may tinatago pa lang bagahe.

Sa imbestigasyon sa pinangyarihan ng aksidente, sinabi sa imbestigador ng ilang residenteng nakasaksi sa aksidente na nakita nilang mabilis na bumaba ang dalawang sakay sa kanilang tumaob na sasakyan at naglabas ng isang karton at dinala sa madamong lugar malapit sa ilog.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Larawan ni Rizaldy Comanda

Nang hanapin ito ng mga pulis sa hindi kalayuan sa pinangyarihan ng aksidente, nakita ang kahon na naglalaman ng pinatuyong marijuana.

Nakuha ng pulisya ang 12 piraso ng tubular container na puno ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.4 milyon.

Nangyari ang aksidente dakong alas-4:40 ng madaling araw noong Linggo sa Camp 4, Tuba, Benguet. Iniulat ito sa pulisya dakong alas-6:00 ng umaga.

Galing sa Baguio City ang sasakyan at patungo sa lowland area. Habang binabagtas ang pababang zigzag ng Kennon road, naramdaman umano ng driver ang brake malfunction (loose brake). Nagdulot ito ng pagtaob ng kanyang sasakyan habang ito ay nasa northbound lane.

Dahil dito, kapwa nagtamo ng pinsala ang driver at pasahero at matinding pinsala ang kanilang sasakyan. Kabalintunaan ang dalawang occupant ay tumanggi sa medikal na atensyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang dalawang biktima.