CAPAS, Tarlac – Nahukay ang arms cache na pag-aari ng New People’s Army (NPA) Biyernes, Hulyo 1, sa Barangay Sta. Juliana.
Nadiskubre ng 31st Mechanized Infantry Company, 3rd Mechanized Infantry (Makatarungan) Battalion; 790th Air Base Group at 710th Special Operations Wing, Philippine Air Force; National Intelligence Coordinating Agency-3, at Capas Municipal Police Station ang mga armas ng humihinang NPA-Komiteng Larangang Guerrilla-Tarlac-Zambales (NPA-KLG-TarZam) kasunod ng impormasyong ibinigay ng mga dating komunistang gerilya.
Narekober ang M16A1 rifle, isang M14 rifle, isang M2 carbine, KG9 submachine gun (SMG), Beretta 9mm, tatlong caliber .38, magnum caliber .22, caliber .22, iba't ibang bala, 16 na sari-saring magazine, isang commercial radio, at medical at mga personal na epektos.