Si Agot Isidro na isang Kakampink ang mismong nagsabing "sweet" bilang isang tao ang kontrobersyal at binabash na aktres ngayon na si Ella Cruz at wala siyang galit dito, subalit nagbigay naman siya ng payo para dito.

Sa kaniyang tweet, Hulyo 2, sinabi ni Agot na mahal niya si Ella na very sweet na tao, subalit sa susunod daw, maaari itong sumagot ng "No comment".

Si Ella Cruz ang gumanap sa papel na "Irene Marcos" sa pelikulang "Maid in Malacañang" sa direksyon ni VinCentiment director Darryl Yap. Layunin itong ilahad ang 'side story' ng pamilya Marcos sa loob ng Palasyo habang nagaganap ang EDSA People Power I na nagpatalsik sa dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na siyang ama nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Senadora Imee Marcos.

"Ella, I love you and you’re the sweetest. (serious ako. she really is.)," ani Agot.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Next time, puede tayong sumagot ng, 'No comment'."

"Again, mahal kita," giit pa ng actress-singer na isang certified Kakampink.

No description available.
Screengrab mula sa Twitter/Agot Isidro

Nag-ugat ang lahat sa tugon ni Ella sa isang panayam, kung ano ba ang mga natutuhan niya sa pagiging bahagi ng kanilang pelikula.

"History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga… As long as we're here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion," saad ng actress-dancer.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/

Naging trending sa Twitter ang pangalan ni Ella Cruz dahil sa kaliwa't kanang batikos na natanggap niya dahil dito.

Tila nilektyuran na rin siya ng kilalang Filipino historian at propesor na si Ambeth Ocampo.

"Don't confuse History and chismis. History may have bias but it is based on fact and opinion. Real History is about Truth not lies, not fiction," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/filipino-historian-ambeth-ocampo-nilektyuran-si-ella-cruz-tungkol-sa-history/">https://balita.net.ph/2022/07/03/filipino-historian-ambeth-ocampo-nilektyuran-si-ella-cruz-tungkol-sa-history/