Karagdagang 1,323 bagong kaso ng Covid-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Hulyo 3.

Ang mga bagong kaso ay nagdala ng bilang ng mga aktibong kaso sa buong bansa sa 9,703, tulad ng ipinapakita sa DOH Covid-19 tracker website. Ang Pilipinas ay nakapagtala ng higit sa 1,000 kaso araw-araw mula noong Hunyo 30.

Ang rehiyon na nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo ay ang Metro Manila na may 5,520. Sinundan ito ng Calabarzon na may 2,107 na kaso, Western Visayas na may 958, Central Luzon na may 767, at Central Visayas na may 548.

Sa development na ito, tumaas ang running caseload ng bansa sa 3,708,271, kabilang ang 3,637,976 recoveries at 60,529 na namatay.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Hindi pa pinangalanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang susunod na pinuno ng ahensya ng kalusugan ng estado.

Tiniyak ng DOH sa publiko na patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga protocol laban sa Covid-19 pandemic.

“Our current pandemic response protocols continue to be implemented. Everything is status quo until new directives from our new President come in,” anang DOH.

“The country’s Covid-19 response actions, along with actions for all other non-Covid health matters, continue through senior DOH officials supervising specific bureaus, offices and units. We await and are ready for the announcement of the next Secretary of Health,” dagdag nito.

Analou de Vera