Nagbigay ng reaksiyon at komento ang Pilipinong historyador at book author Ambeth Ocampo sa naging sagot umano ng aktres na si Ella Cruz, kung ano ba ang natutuhan niya sa pagganap bilang "Irene Marcos" sa pelikulang "Maid in Malacañang."

Si Irene Marcos ay mga kapatid nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Senadora Imee Marcos, na mga anak naman nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at dating First Lady Imelda Marcos.

Ayon sa ulat ng isang pahayagan, isa raw sa mga napagtanto ni Ella ay tungkol sa kasaysayan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

"History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Naro'n na yung idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kaniya-kaniyang opinion, I respect everyone's opinion," saad umano ni Ella.

"Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling right now, 'di ba? Paano kaya iyon na there so much pressure on their side during those times?"

Umani ito ng iba't ibang kritisismo mula sa mga netizen at agad na naging trending sa Twitter ang pangalan ni Ella Cruz.

Sa kaniyang Facebook post, Hulyo 2, nagbigay naman ng komento tungkol dito si Ocampo.

"Don't confuse History and chismis. History may have bias but it is based on fact and opinion. Real History is about Truth not lies, not fiction," aniya.

Habang isinusulat ito ay umabot na sa 9.4K ang reactions nito at 3.7K shares.