Ipinagtanggol ng mismong direktor ng kontrobersyal na pelikulang 'Maid in Malacañang' na si Darryl Yap ang kaniyang artistang si Ella Cruz, na binabatbat ngayon ng kritisismo dahil sa kaniyang pahayag tungkol sa kasaysayan.

Si Ella Cruz ang gumanap sa papel na "Irene Marcos" na nabanggit na pelikula sa ilalim ng Viva Films. Layunin itong ilahad ang 'side story' ng pamilya Marcos sa loob ng Palasyo habang nagaganap ang EDSA People Power I na nagpatalsik sa dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na siyang ama nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Senadora Imee Marcos.

Nag-ugat ang lahat sa tugon ni Ella sa isang panayam, kung ano ba ang mga natutuhan niya sa pagiging bahagi ng kanilang pelikula.

"History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga… As long as we're here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion," saad ng actress-dancer.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/02/history-is-like-tsismis-ella-cruz-ibinahagi-ang-natutuhan-bilang-irene-marcos-sa-maid-in-malacanang/

Naging trending sa Twitter ang pangalan ni Ella Cruz dahil sa kaliwa't kanang batikos na natanggap niya dahil dito.

Tila nilektyuran na rin siya ng kilalang Filipino historian at propesor na si Ambeth Ocampo.

"Don't confuse History and chismis. History may have bias but it is based on fact and opinion. Real History is about Truth not lies, not fiction," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/filipino-historian-ambeth-ocampo-nilektyuran-si-ella-cruz-tungkol-sa-history/">https://balita.net.ph/2022/07/03/filipino-historian-ambeth-ocampo-nilektyuran-si-ella-cruz-tungkol-sa-history/

Marami rin sa iba't ibang sikat na personalidad ang nagbigay ng reaksiyon at komento tungkol dito gaya nina Agot Isidro, Gretchen Ho, Ariel Rojas, Noel Ferrer, at iba pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/mahal-kita-agot-isidro-inilarawan-si-ella-cruz-bilang-sweetest-person-subalit-may-payo-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/07/03/mahal-kita-agot-isidro-inilarawan-si-ella-cruz-bilang-sweetest-person-subalit-may-payo-sa-kaniya/

May ilan pang mga netizen ang nagsasabing sa kasalukuyan daw ay baka nahihiya na ang mga naging guro ng aktres sa asignaturang Araling Panlipunan dahil sa mga nasabi nito. Lumutang pa sa Twitter na ang kahulugan daw ng asignaturang AP ay 'Araling Pangchismis'.

Sinakyan na rin ito ng iba't ibang mga netizen at ginawan ng iba't ibang memes.

Resbak ni Darryl, "Nakita mo naman Ella Cruz; basta’t may puwede silang sakyang isyu, kahit wala namang masamang kahulugan, gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya para i-misinterpret ka at palakihin para mahawa ng relevance."

Screengrab mula sa FB/Darryl Yap

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Ella Cruz tungkol sa isyung kinasasangkutan.