FLORA, Apayao – Nasa 298 magsasaka mula sa mga barangay ng Flora sa lalawigan ng Apayao ang umaani ngayon ng mga benepisyo ng isinaayos na Sta. Maria-Mallig-Upper Atok Farm-to-Market Road (FMR).

Ayon sa Joint Inspectorate Team (JIT), ang 11.8-kilometer road project na ipinatupad sa ilalim ng Department of Agriculture–Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) at ng Provincial Local Government Unit ng Apayao, ay 100 porsiyento nang kumpleto.

Inaprubahan noong Oktubre 2020 upang matulungan ang pag-unlad ng industriya ng saging sa lalawigan, ang P195.95-million FMR project ay pinondohan ng World Bank (80%0, DA (10%), at ng PLGU ng Apayao (10%) .

Ang FMR ay nakikinabang na ngayon sa higit sa 298 kabahayan sa loob ng lugar na sakop ng nasabing kalsado. Saklaw nito ang tatlong barangay, ito ay ang Sta. Maria, Mallig, at Upper Atok, kung saan nagmumula ang bulto ng produksyon ng saging ng munisipyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Prudencio Bosing, agriculturist ng Apayao, na ang pagpapabuti ng kalsada ay nagpadali sa paggalaw ng mga kalakal na ginawa sa loob ng lugar ng proyekto, partikular na ang saging.

Ang munisipalidad ng Flora ay may malalawak na taniman ng saging.

Bago ang road improvement, ang mga sledge cart at kalabaw ay kadalasang ginagamit ng mga magsasaka sa pagdadala ng kanilang mga ani mula sa kanilang mga sakahan/panirahan patungo sa pinakamalapit na public utility transport post na matatagpuan sa barangay Sta. Maria.

Ngayon, ligtas nang makadaan sa kalsada ang mga pribadong sasakyan at motorsiklo nang walang abala.

Sa kabila ng pagpapabuti, ang mga barangay na sakop ng FMR ay kailangan pa ring makipaglaban sa lokal na insurhensiya, partikular sa Upper Atok at ilang bahagi ng Mallig.

Dahil sa proyektong pang-imprastraktura na nagbibigay-buhay sa komunidad, iniulat ni Congresswoman Eleanor C. Begtang-Bulut na ilang rebelde na ang sumuko para sa mas maraming opurtunidad sa kabuhayan.

“This PRDP road in Flora has really helped us in our efforts to end local insurgency and because of this road, more than 200 leftists in barangay Upper Atok have surrendered recently,” aniya.