Sumuko sa gobyerno ang dalawang lider ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) at isang medic nito sa Misamis Oriental kamakailan.

Ang tatlong nagbalik-loob sa pamahalaan ay kinilala ni 58th Infantry Battalion (IB)-Civil Military officer 1st Lt. Claudine Robledo, na sina Golden Romania Compas Sr, 42, dating political guide ng Platoon Falcon, Sub-Regional Committee 1; Neiljan Pasague Legaspino, 29; at Ariel Uba Compas, 27, medic.

Sinabi ni Robledo, ang tatlo ay sumurender sa mga sundalo sa Sitio Anahaw, Barangay Bantaawan, Gingoog City nitong Biyernes.

Isinuko rin ng mga ito ang isan M16 rifle, ilang magazine at bala, isang improvised explosive device (IED), at dalawang blasting caps.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Inamin ng mga ito na pagod na sila sa pakikipaglaban sa pamahalaan at hindi rin umano natupad ang ipinangakong magandang buhay kapalit ng pagsapi sa kilusan.

Nasa kustodiya na sila ng nabanggit na military unit at ipapasok sila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno upang mabigyan ng financial assistance para sa kanilang pagbabagong-buhay.

PNA