Patay ang isang umano'y rebeldeng New People's Army (NPA) sa isang engkwentro sa Sta. Catalina, Negros Oriental noong Biyernes, Hulyo 1. 

(Courtesy of 3rd Infantry Division/Manila Bulletin)

Kinilala ni Maj. Gen. Benedict Arevalo, commander ng 3rd Infantry Division (3ID), ang napatay na rebelde na si Cristanto Estrabela Lagradilla alias Locsin ng South East Front (SEF), Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR-NCBS) Squad 2.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa ulat ng militar mula sa 3ID, ang mga elemento ng 11th Infantry Battalion (11IB) ay nagsasagawa umano ng combat operations sa Sitio Tamusi, Barangay Talalak nang makasagupa ang limang armadong rebelde. 

Sumiklab ang putukan ng baril sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at ng mga kalaban na tumagal halos walong minuto.

Napilitang umatras ang mga kalaban habang hinahabol sila ng militar. Sa encounter site, natuklasan nila ang bangkay ni Lagradilla.

“With the cooperation of the communities and the collaborative efforts of other government agencies we are positive that we can sustain the peace and development in this part of the region,” saad ni Arevalo.

Narekober ng militar mula sa napatay ang isang KG9 rifle; iba't ibang mga magazine na may mga live ammunition, isang bandolier, dalawang hand-held radio, isang backpack at mga personal na dokumento.

Martin Sadongdong