BACOLOD CITY – Arestado ng pulisya ang isa pang umano’y tulak ng droga at nakuhanan ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 26 gramo at nagkakahalaga ng P176,800 sa isang buy-bust operation sa Barangay Singcang-Airport dito Biyernes, Hulyo 1.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Eduardo Navarro Jr., 34, ng Barangay 3, nitong lungsod, na umuupa ng bahay sa Barangay Singcang-Airport, kung saan nakatira ang kanyang dalawang anak at live-in partner.

Sinabi ni Police Lt. Joven Mogato, hepe ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), na dati nang inaresto si Navarro dahil sa illegal possession of firearms at ammunition ngunit kalaunan ay pinalaya ito matapos itong mag-apply para sa probation.

Noong 2017, inaresto rin si Navarro dahil sa drug offense ngunit nakalaya pagkalipas ng dalawang taon sa pamamagitan ng plea bargaining, ayon kay Mogato.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Mogato na kadalasang nire-repack ni Navarro ang mga ilegal na droga na nakuha niya sa isa sa mga barangay dito at kalaunan ay ibebenta ito sa kanyang mga kliyente.

Sinabi ni Mogato na si Navarro ay isang street level individual. Siya ay nakakulong sa Police Station 8.

Arestado si Navarro matapos mabisto ng Police Station 8 ang mag-asawa at ang umano'y drug runner nila sa barangay Huwebes, Hunyo 30. Nakuha mula sa mga suspek ang P238,00 halaga ng hinihinalang shabu.