Umalma ang filmmaker na si Lauren Greenfield sa paggamit ng kaniyang larawan kay Imelda Marcos sa isang electronic billboard para sa kaarawan ng dating first lady ngayong Sabado, Hulyo 2.

Nauna nang naging usap-usapan ang billboard matapos mapansin ng netizens ang maling pagkakasulat ng 93th sa halip na 93rd.

Sunod namang umalma ang direktor na si Lauren Greenfield matapos hindi mabigyan ng notisya kaugnay ng paggamit sa kaniyang larawan sa naturang billboard.

“I have just been notified by friends in the Philippines that my photograph of Imelda Marcos from THE KINGMAKER has been used without permission on a massive billboard owned by a company called Digital Out Of Home PH owned by a Mr. Alvin Carranza, a known Marcos apologist,” pagbabahagi ni Greenfield sa kaniyang Facebook post, Sabado.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Dagdag niya, hiniling na niya kay Carranza na agad baklasin ang naturang imahe sa billboard.

“We will see what happens,” saad ni Greenfield.

Nauna na ring nagpahayag ng kaniyang saloobin si Greenfield sa Twitter.

https://twitter.com/lgreen66/status/1543098929075523585

Ang direktor ang nasa likod ng critically-acclaimed 2019 documentary film na “The Kingmaker” tampok ang karera ng ina at dating first lady si Imelda sa larangan ng politika, gayundin ang paglalahad nito sa kaniyang pamilya, bukod sa iba pa.