Magkahawig sina Ruffa Gutierrez at dating first lady Imelda Marcos, ayon sa talent manager na si Manay Lolit Solis.

Dagdag niya, bagay ang role sa celebrity mom lalo pa’t maganda umanong magdala ng terno si Ruffa.

“Bagay kay Ruffa Gutierrez iyon role niya as Imelda Marcos Salve. Sa ayos at make up parang hawig na nga sila. At ang gandang magdala ng terno ni Ruffa ha,” sey ni Manay Lolit.

Aniya pa, “exciting” umanong mapanuod ang ang pelikula lalo pa’t nanumpa na bilang Pangulo ang anak na si Bongbong Marcos Jr.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Timely ang project at talagang siguro nga baka ito ang bumuhay sa showbiz. Kahit sabihin mo pang ibang era na ang Marcos, marami parin excited sa buhay nila. Full circle na after Ferdinand Marcos Sr., heto at ang kanyang Jr na si Bongbong ang nasa Malacanang ngayon,” saad ni Manay Lolit.

Masuwerte umano si Ruffa na maging parte ng proyekto.

Nauna nang sinabi ng direktor na si Darryl Yap na ang pelikula ay magpapakita ng huling 72 oras ng mga Marcos sa Palasyo sa lente ng isang mapagkakatiwalang source.

Ang magiging panahon ng tagpuan ng istorya ay noong 1986.