Noong Hunyo 30 ay ganap na ngang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa pamamagitan ng seremonya ng inagurasyon, sa harapan ng National Museum of Fine Arts sa Maynila.

Napansin naman ng mga netizen ang lumang Bibliyang pinagpatungan ng kamay ni PBBM habang siya ay nanunumpa. Ayon sa Facebook post ng National Library of the Philippines (NLP), ito rin mismo ang ginamit na Bibliya nang manumpa naman ang kaniyang yumaong amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr bilang ika-10 Pangulo ng bansa noong 1965.

"Cleaning and Repair of the Bible (Used by President Ferdinand R. Marcos, Jr. during his oath-taking ceremony)," saad sa kanilang Facebook post noong Hunyo 30.

"The National Library of the Philippines (NLP) is privileged to be part of the Presidential Inauguration of His Excellency President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. by leading the repair and reconditioning of the Bible used during his oath-taking on 30 June 2022 at the National Museum of Fine Arts."

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"The Filipiniana Division of NLP managed the cleaning and repair process of the same Bible used by his father, former President Ferdinand E. Marcos, who took his oath on two Bibles on 30 December 1965."

Hindi lamang si PBBM ang gumamit sa Bibliyang pinanumpaan ng kaniyang amang naging pangulo ng bansa. Ayon sa historyador na si Xiao Chua, ginamit din ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 ang Bibliyang ginamit sa inagurasyon ng kaniyang amang si dating Pangulong Diosdado Macapagal noong 1961.