Ibinahagi ng aktres na si Ella Cruz ang kaniyang mga natutuhan sa kaniyang portrayal bilang 'young Irene Marcos' sa pelikulang "Maid in Malacañang", sa direksyon ni VinCentiment director Darryl Yap, sa ilalim ng produksyon ng Viva Films.
Si Irene Marcos ay mga kapatid nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Senadora Imee Marcos, na mga anak naman nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at dating First Lady Imelda Marcos.
Ayon sa ulat ng isang pahayagan, isa raw sa mga napagtanto ni Ella ay tungkol sa kasaysayan.
"History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Naro'n na yung idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kaniya-kaniyang opinion, I respect everyone's opinion," saad umano ni Ella.
"Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling right now, 'di ba? Paano kaya iyon na there so much pressure on their side during those times?"
Ipalalabas na umano ang pelikula ngayong Hulyo.