ILOILO CITY -- Isang guro sa Pototan, Iloilo ang kinilala sa kaniyang pagpapahiram ng itim na sapatos sa isang estudyanteng nakasuot lamang ng sandalyas sa graduation ceremony noong Biyernes, Hulyo 1.

“Five stars for this teacher!! My heart melts seeing her and the graduate!” sabi ni Krissy Selorio, may-ari ng larawan sa nakakaantig na tagpo na agad na nag-viral sa Facebook.

Makikita sa larawan ni Selorio ang gurong si Cornelia Castor ng Pototan National Comprehensive High School na nakikipagpalitan ng tsinelas sa isang graduating na babaeng estudyante na nakasuot ng toga sa Pototan Astrodome.

“You deserve a medal,” dagdag ni Selorio. “Thank you for the appreciation. Happy to help,” saad naman ng guro kay Selorio.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa panayam ng One Pototan, ikinuwento ni Castor ang nangyari sa kaganapan.

“What I wanted was that she wasn’t going to be ridiculed when she goes up the stage to get her diploma. We know the situation of our students and their families, especially during this pandemic. They cannot just buy what they want,” idinagdag niya na dalawang beses nang hiniram ng mga mag-aaral ang kanyang sapatos ngayong linggo - noong Hunyo 30 nang magkaroon ng programa sa pagkilala at isa pang pagkakataon sa seremonya ng pagtatapos ng Hulyo 1.

Inihayag ni Castor na pinahiram din ng kanyang mga kapwa guro ang kanilang mga sapatos ngunit walang nakakuha ng litrato o video.

“It just so happens that a photo was taken,” dagdag niya.

Tara Yap