Balik na sa pribadong buhay si dating Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso matapos bumaba sa puwesto noong Hunyo 30. 

Ayon sa kaniya, sa halos 24 na taong paglilingkod niya sa bayan, naisantabi niya ang kaniyang responsibilidad bilang ama. 

"Sa 24 na taong paglilingkod ko sa bayan, naisantabi ko ang aking responsibilidad bilang ama sa aking pamilya dahil inuna kong tugunan ang mandato na ipinagkaloob sa akin ng taumbayan," ani Domagoso sa kaniyang Facebook post noong Hulyo 1.

"Ngayong tapos na aking termino, makababawi na ako sa lahat ng sakripisyo na buong-puso at walang pagtutol na pinagdaan ng aking pamilya.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"Para kay Dynee, Patrick, Frances, Joaquin, Franco at Drake: Papa is here to love and care for all of you. Thank you for your understanding. I love you so much," paglalahad pa ng dating alkalde.

Matatandaan na hindi pinalad na manalo si Domagoso sa presidential race noong eleksyon 2022.

Samantala, si Dra. Honey Lacuna na ang pumalit sa kaniya bilang alkalde ng Maynila na dati niyang bise alkalde.