Naglabas ng kaniyang opinyon at saloobin ang singer-actor na si Janno Gibbs tungkol sa buwis, lalo na sa epekto nito sa mga middle class.

Ayon sa art card na ibinahagi ni Janno sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 29, ang pinakakawawa raw sa mga nagbabayad ng buwis ay middle class. May caption ang kaniyang IG post na "Buwis-et!"

Aniya, ang mahihirap daw ay walang binabayaran samantalang ang mayayaman naman ay maraming mapagkukuhanan ng pera. Ang pinakaapektado raw dito ay ang middle class.

"Bayaran na naman ng Tax. Buti pa mahirap, walang babayaran. Buti pa mayaman, maraming paraan. Kawawa middle class, walang takas."

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

"Buti na lang wala akong trabaho," pabirong hirit ng singer-actor.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Sabi nga po ng iba diyan the middle class can take care of themselves."

"You made my day, Sir Janno… Great one."

"On point naman! Ang nakikinabang yung mahihirap. Ok lang sana kung deserving, pero kadalasan, yung mga tambay at walang ginagawa ang nakikinabang."

Ang buwis ay mahalagang obligasyong pataw na bayarin mula sa isang estado kung saan nagmumula ang pondo upang maisagawa ang mga proyekto ng pamahalaan.