Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang mga smuggled agriculture products na nagkakahalagang ₱30 milyon sa Manila International Container Port (MICP).

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang mga smuggled products ay 'misdeclared' bilang hotpot balls mula sa China at naka-consign sa Lycan Consumer Goods Trading.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ang mga smuggled items, na natagpuan sa 40-foot container vans, ay natuklasan nang sila ay nag-inspeksyon sa gitna ng mga ulat ng anomalya sa mga dokumento.

Ang nasabing container vans ay naglalaman ng frozen peeled chicken breasts, frozen skinless chicken breast, frozen skinless cut chicken, frozen peeled chicken breast, at frozen chicken skinless big breast.

Naganap ang operasyon sa gitna ng kontrobersyang tinutugis ang ilang matataas na opisyal ng BOC, kabilang si Guerrero, dahil sa umano'y pagkakasangkot nila sa smuggling ng mga agriculture products sa bansa. 

Ariel Fernandez