Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang ipinaiiral na ban sa pag-aangkat ng poultry products mula sa Belgium nang ideklara ng mga bansa sa Europa na wala na silang kaso ng bird flu.

Sa memorandum order na may petsang Hunyo 30, 2022, binanggit ni dating DA Secretary William Dar na ibinatay nila ang desisyon sa final report ng Belgian veterinary officials sa World Organization for Animal Health (WOAH) na nagsasabing negatibo na sa bird flu o highly pathogenic avian influenza (HPAI) ang kani-kanilang bansa.

“Based on the evaluation of the Department of Agriculture, the risk of contamination from importing poultry meat, day old chicks, and semen is negligible,” ayon kay Dar.

Dahil dito, tinanggal na ng DA ang dating ipinaiiral na temporary ban sa importasyon ng domestic at wild bird at ng kanilangprodukto mula sa Belgium.

Probinsya

Bangkay ng isang lalaki natagpuang lumulutang sa ilog

“All import transaction of the above bird species shall be in accordance with existing rules and regulations of the DA,” banggit ng DA.

Matatandaang ipinagbawal ng DA ang importasyon ng poultry products mula Belgium noong Disyembre 2021 matapos makumpirma ng European nation ang outbreak ng HPAI.