Sumakabilang-buhay na ang babaeng palaboy na biglang yumakap sa ABS-CBN reporter, sa kalagitnaan ng pag-uulat nito noon sa pang-umagang programang "Sakto" habang kausap si Tyang Amy Perez.

"So this happened at work today. A free hug," saad ni Lee sa caption ng kaniyang Facebook post noong Abril.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/29/abs-cbn-reporter-nakatanggap-ng-free-hug-sa-isang-street-dweller/">https://balita.net.ph/2022/04/29/abs-cbn-reporter-nakatanggap-ng-free-hug-sa-isang-street-dweller/

Naantig naman ang mga netizen sa eksenang ito. Sa pamamagitan ng viral video ay natagpuan siya ng kaniyang kapatid noong Mayo. Nakilala siya bilang si Melanie Dubos.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/30/isang-dekada-na-netizen-humihingi-ng-tulong-para-mahanap-ang-nawawalang-kamag-anak/">https://balita.net.ph/2022/04/30/isang-dekada-na-netizen-humihingi-ng-tulong-para-mahanap-ang-nawawalang-kamag-anaka>

Napag-alaman sa kaniyang kapatid na si Mona na tubong Mindanao pala si Melanie, na napadpad sa Maynila dahil sa paghahanap ng trabaho. Naging street dweller umano ito dahil nabarkada at nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Naiuwi pa ni Mona si Melanie subalit naging madalas umano ang pagiging agresibo nito, kaya dinala nila ito sa National Center for Mental Health para mas mabigyang-pansin ang kalagayan nito.

Ayon sa ulat, siya ay pumanaw ngayong umaga ng Sabado. Ayon kay Mona, ipinaalam ito sa kanila ng psychiatric hospital kung saan sumasailalim sa metal health treatment si Melanie, na pumanaw na ito. Sinegundahan naman ito ni Peachy Lacabo ng Muntinlupa Social Services Department. Hindi pa malinaw ang mga detalye kung bakit ito pumanaw.