Matapos ang inagurasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., tila nagpatutsada ang aktres na si Agot Isidro sa napabalitang 2,100 lamang ang nagtungo sa venue ng thanksgiving concert para sa pagdiriwang ng pagiging opisyal na pangulo ni PBBM, noong Hunyo 30 ng gabi sa Mendiola.
Ibinahagi ni Agot, ang tweet na nagsasaad ng balita tungkol umano sa crowd estimate na 2,100 na mga dumalo sa thanksgiving concert, ayon sa Philippine National Police o PNP.
Ayon sa tweet ni Agot, "Kahit .01% ng 31M, di umabot? 3,100 lang yun guys. Anyare?"
Ang tinutukoy na "31M" ng aktres ay ang bilang ng mga bumoto kay PBBM noong nagdaang halalan.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento ng mga netizen.
"Walang naka-pack na bigas at groceries, saka walang namimigay ng envelope sa entrance!"
"Ginawa pang holiday sa Maynila. Pero parang hindi naman ramdam ang dami ng botante niya kahit sa Maynila na lang."
"Move on na po Miss Agot… nakapanumpa na po 'di ba? Support na lang natin."
"Baka yung iba nanoood ng live, masyado kayong judgmental."
Hindi naman nakadalo si PBBM sa naturang thanksgiving event.
Si Agot Isidro ay isang certified Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem, maski hanggang ngayon, lalo't nailunsad na ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang Angat Pinas, at patuloy itong magbibigay ng serbisyo bilang pribadong mamamayan.