Nanawagan si Vaccine Expert Panel (VEP) Chairperson Dr. Nina Gloriani nitong Biyernes, Hulyo 1, sa national government na isaalang-alang ang pagbibigay ng pangalawang booster shot sa mga indibidwal na may edad 50 hanggang 59.
“Actually, the Food and Drug Administration (FDA) has been following this standard in other countries. For instance, the administration of second booster to those 50 years old and above already has the United States’ approval. We also want to use that same recommendation, of course, individuals aged 50 years old and above are more vulnerable than the younger ones,” ani Gloriani sa "Laging Handa" public briefing.
Sa kasalukuyan, ang mga senior citizen, health workers at immunocompromised adults pa lamang ang pinapayagang makatanggap ng pangalawang Covid-19 booster shot sa Pilipinas.
Samantala, sa kabila ng tumataas na bilang ng mga impeksyon at matagal na banta ng Covid-19, sinabi ni Gloriani na ang pagbibigay ng pangalawang booster jab sa mga wala pang 50 taong gulang ay maaaring ipagpaliban.
“Clearly yung sa mga younger than 50 ay pwedeng ipagpaliban muna natin. Padamihan muna natin yung first booster, meron pa tayong 40 million na hahabulin sa first booster because very clear po ang data na kailangan natin ng at least three doses pero yung second booster ay pwede pa nating hintayin ang more data about that pero may specific population groups that we also have to consider," dagdag pa niya.
Ipinakita ng National Covid-19 Vaccination Dashboard ng Department of Health (DOH) na 70,781,234 na mga Pilipino ang nakakumpleto na ng kanilang unang dose ng bakuna noong Hunyo 30. Sa bilang na ito, 14,993,876 na indibidwal pa lamang ang nakatanggap ng booster shot.Charie Abarca