Nag-iwan ng sulat ng pasasalamat ang isang pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) dahil sa Libreng Sakay program ng linya na nagsimula noong Marso at nagtapos nitong Hunyo 30.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nakita ng kanilang personnel ang nasabing sulat noong Hunyo 29 sa loob ng tren. 

"A happier commuter of MRT for eleven Wednesdays from April, May, and June going to Redemptorist Church in Baclaran. Thank you very much for the men & women behind this Libreng Sakay in MRT and all other transport vehicles that (are) included, especially around Quezon City and in ours in Novaliches. God bless you all guys. Sana maulit muli," ayon sa sulat.

National

House Quad Comm, nanindigang ‘di ilalabas transcript ng hearing para sa ICC

DOTr-MRT 3

Matatandaan na noong Marso 28, inilunsad ng MRT-3 ang Libreng Sakay program nito at nagtapos nito lamang Hunyo 30.

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng linya sa lahat ng mga pasahero.

"The MRT-3 Management wishes to thank all its passengers for their messages of gratitude for the program and good wishes for the MRT-3. Rest assured that we will try even harder to provide only the best, most efficient, and most comfortable service for the riding public."